Victorian Tumblr Themes

THE DRAMA CLOSET.


E parang joke time lang lahat. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na ayun na nga. Ang saket men. Minsan maiiyak na lang ako bigla. Everytime naiiyak ako, dun ko napapatunayang totoo ang lahat — na wala na, iniwan nya na ako. E ansaket lang e. Nakakainis e.

Parang hinde ko kayang makita na masaya siya samantalang ako malungkot. Na siya, madaling natalikuran ang lahat-lahat sa amin samantalang ako nahihirapan. Tangina. Ang saket saket naman kase talaga. Tapos ang lakas pa ng loob nya na sabiheng we’re over. Oh di siya na kaya. Siya na ang meh kaya. Hinde ko kaya ung ginagawa nya. ganun ba yung mahal? Nasan na yung sinasabe nyang sarado-kandado na kame? Nasan na ung mga… nevermind. :(

Hinde ko makalimutan ung eksena e. Tuwing maaalala ko, ang cool na ewan. Akala ko sa movies lang makikita mga ganun. Yung meh ulan ulan effect habang nagmamakaawa ka sa mahal mo na wag kang iwan. Tapos ung mahal mo pilit kang itinataboy palayo. Tinutulak ka. And worse, lilinya pa ng Kung mahal mo ako, pakawalan mko. Sabay tulak sayo ng very hard at wala ka na magawa kundi mapasubsob. At sambitin na lang yung pangalan nya.

Ang sakit lang makita siyang tumatakbo palayo sa’ken. T.T

Yung mga katropa namin sinasabe nila na maaayos din daw. Na galet lang sya. Na kung talagang wala na, maging magkaibigan na lang kami. Na siguro namimiss nya rin ako. Pucha, hindi rin. Asa naman akong namimis nya ako db? Ang saket lang talaga na tinalikuran nya lahat lahat sa amin.

Andame kong If Only’s e. If only:

  • I have been an understanding girldfriend.
  • I haven’t been too selfish.
  • I wasn’t so naive.
  • I let my love surfaced than my pride.

Oh edi sana walang letting go na naganap db? Ang saket saket saket (repeat 93485737456635434965845345049486 times) lang talaga. :(

Sabi nga ng mga medyo aware:

  • Kung talagang mahal ka nya, mahihirapan sya ng wala ka.
  • Kung malalagpasan nyo yan, bilib na ako sa power ng love nyo.
  • Babalik din siya.

Ayoko na umasa. Ayoko na mag-expect. Pero syempre, alam ko deep down inside sobrang umaasa ako na maaayos din ang lahat sa amin. Si Gids yun men. Hinde man maiintindihan ng iba pero sobrang mahal ko siya. Ganun yata talaga pag nakita mo na yung taong gusto mo na makasama hanggang sa pagtanda. Oh edi ako na ang OA cheesy whatev. Ang hirap naman kasi.

Alam ko na yung feeling ng wala siya sa akin, bakit kelangan ko pa maramdaman ulit? Tangina lang.

Tagged as: hala cge iyak nikki.,


THE DRAMA CLOSET

Puno ng:

• Kadramahan
• Kaartehan
• Kadramahan
• Kaartehan

at ng mga seryosong hinaing ko sa buhay kong napakadrama.

And yes, I am subconsciously and unconsciously cursed. Blamed it all on my alter ego.


Following:




Likes: